4/23/12

if this is not paradise then i don't know what is

Apo Reef Mindoro

I'm having a hard time describing how beautiful Apo Reef is.

First time kong magsnorkel sa laut. First time kong makakita ng dolphins live in action. First time ko din makita ang ilalim ng dagat (deep deep part) na puno ng coral reefs at makukulay na isda. First time ko rin maka face to face (literal, mga few inches away from my face) ang mga isda sa bato (very very shallow part). First time ko rin makakita ng great "abyss", yung part na sobrang lalim hindi mo na makita yung ocean floor. Makikita mo lang ang kawalan, tubig-style. Nakakahingal sa ganda. First time ko rin makasama sa bakasyon sila Wena, Banuk, at Tone. And yehes, first time ko rin makita ang isa sa closest high school friends ko magphotoshoot Emperador-style.

Still daydreaming. Nakakalasing pala ang ligaya. Kelangan ng lumapat sa lupa. Ang weird nung hindi ako sanay ng ganito ka-high. Hindi ko nirereklamo ang saya, ang weird lang kasi matagal tagal na rin ako nakatambay dun sa opposite ng ligaya. So I'm reminding myself consciously to just embrace it and forget about what Peanuts' Charlie Brown said.

Pero bago ako lumapat, gusto kong magpasalamat. Rhyme. 

Narcissism attack, vacation hangover, overthinking, daydreaming...

No comments:

Post a Comment