Syempre pinilit ko talaga yung 25 lessons at 25. Sa totoo lang mahirap gawin to lalo na pag-alam kong I'm not walking the talk or something to that effect. But I'll try. I'll be turning 25 soon, and it's the first time I felt worried. No, worried's not the right term, aligaga perhaps? Naaligaga ako dahil feeling ko ang tanda ko na. Masasampal ako sa mukha ng mga taong mas matanda sa akin. Or baka masyado lang talaga akong emo kaya pinapalaki ko ang mga bagay na ganito. Wait was that lesson number one? Okay let's do this.
1. Finish your studies. May mas lilinaw pa ba sa lesson na to? Ni sa hinagap hindi ko naisip dati na mahihirapan akong magtapos ng kolehiyo. Kung dati ay straight A/straight arrow/ straight shit ako, ngayon mahihiya ang barbwire sa pagkacrooked ko. I would love to sincerely say I had no regrets, but who am I kidding. If there's one thing na pinagsisisihan ko, ito na yun. Pero dahil habang may buhay may pag-asa, hindi ako bibitaw. Kung magkakaanak ako in the future, ito ang unang-una kong ituturo sa kanya. After that, beauty, art, and culture.
2. Relationships end. Nega ba? Wait lang, positive yan. Ito ang kapatid ng change is the only constant thing in the world. Aaminin ko isa ako sa mga closet romantics, yung mga ayaw umamin na cheesy, pero deep inside naniniwala sa airplane ending. Oh my, did I just say that? Yes. I'm eternally idealistic and delusional about love and relationships. But then I've had my taste of bitter endings, and I can say magfocus nalang ako sa lessons learned. Darating at aalis ang mga tao sa buhay mo. I knew that and I believed that all my life, until nangyari talaga sya sa akin, and it wasn't that easy. Pero panghahawakan ko ang what doesn't kill me will make me strongest. Yest! And I swear to God naniniwala pa rin ako sa pag-ibig; but with a more realistic twist on working hard, growing, and taking care of the relationship and the person. Okay ranggay na. Dami nasabi. Next!
3. Pagnadapa ka, bangon agad please. Recurring theme to ng buhay ko. Wag ka masyadong mag-antay. Pagnagkaroon ng disapppointments, failures, setbacks; buckle-up agad para hindi mapag-iwanan. Easier said than done, I know. Pero isa to sa mga sinasabi ko sa sarili ko outloud pagnadadapa ako. Char, sinasabi outloud daw o! Minsan kasi, overdue na yung pity party; kelangan na kumilos. (Isa na to sa mga walk the talk ples). Although kelangan din ng downtime, mas makakatulong pagbinigay mo yung best mo sa solving the problem, or working on the problem, or throwing away the problem... which brings me to the fourth lesson.
4. If it's not working, change it. If you can't change it, change your attitude about it. Wow daming change! Kantuthinkofit it's all about change. Naiinis ako sa mga taong reklamo ng reklamo pero ayaw baguhin yung mga nirereklamo nila. Pero diba sabi rin nila kung anu daw kinaiinisan mo sa ibang tao, yun ay dahil nakikita mo ang sarili mo sa kanila. Che! Tigilan mo ko. Pag ayaw mo sa isang bagay, baguhin mo. Yun lang yun. Pero kung wala ka sa posisyon para baguhin to, be thankful about it, or find something to be grateful for. Basically, trinanslate ko lang sya in tagalog. Nung nagresign ako sa previous jobs ko, it was always something about changing and not looking back. I'm trying hard to stick with my decisions. Iniisip ko na lang na habang binabago mo ang mga bagay sa buhay mo, dahan-dahan mo ng tinataas ang standards mo, na wag ng itolerate ang mga bagay na di mo gusto.
5. Take care of your friends. Kaakibat to nung number 2. May theory kami ng mga kaibigan ko about "first boyfriend syndrome". Pagnagkajowa, nakakalimutan ang mga kaibigan. Check! Pagnaiwan kang luhaan, san ka ba lalapit? Eh di sa kaibigan. This is one of the most important part of this lecture. Never ditch your friends, and never take them for granted. Realize who are the most important people in your life, and tell them so or better yet let them feel that they are important. Pag-ukulan ng panahon ang friendship: magkape with friends, dinner, travel with friends, magbijoke, umiyak kasama sila, at tumawa ng bongga with them. The main point is make it a point to be with them. Habang tumatanda ka paliit ng paliit ang circle of friends mo. Pero pataas din ng pataas ang quality. So being old has its perks. Charst! I love you friends. LEL.
Okay, next time na ang part 2. Nadrain na ako sa first 5. I'll try to think of the next 5. Rang!
No comments:
Post a Comment